Batas na nagpapalawig sa prangkisa ng tatlong broadcasting companies nilagdaan ni Pangulong Duterte

FILE PHOTO

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batas na nagpapalawig sa prangkisa ng tatlong broadcasting companies.

25 taon pang makapag-ooperate ang SolidNorth Broadcasting System (SBS) Inc, Mereco Broadcasting Network Inc. (MBNI), at ang Radio Audience Developers Integrated Organization Inc.

Ang SBS ay naka-base sa Vigan City at local news agency doon at sa mga kalapit na lalawigan.

Ang MBNI naman ay mayroong limang commercial radio stations sa Manila, Bacolod, Cebu, Davao at Baguio.

Habang ang Radio Audience Developers Integrated ay unang napagkalooban ng prankisa para makapag-operate bilang radio station noong 1995.

Read more...