LRT 1 and LRT 2, may libreng sakay ngayong Rizal Day

By Isa Avendaño-Umali December 30, 2015 - 07:26 AM

lrt 30May alok na libreng sakay ang Light Rail Transit o LRT lines 1 at 2 ngayong “Rizal Day” o paggunita sa death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Sa anunsyo ni LRT Authority Spokesperson Hernando Cabrera, may free ride ang LRT line 1 ngayong umaga, mula 7AM hanggang 9AM; at sa hapon, mula 5PM hanggang 7PM.

Sa LRT line 2, makakalibre sa pamasahe ang mga pasahero kung sasakay sila mula 7AM hanggang 9AM at 5PM hanggang 7PM.

Tiniyak naman ng pamunuan ng LRTA na mahigpit nilang ipatutupad ang seguridad, lalo’t ngayong December 30 rin inaalala ang madugong “Rizal Day bombings.”

Matatandaan na noong December 30, 2000, binomba ang Blumentritt station ng LRT line 1 kung saan sampu ang nasawi habang marami ang sugatan.

 

TAGS: Free Ride, LRT, Rizal Day, Free Ride, LRT, Rizal Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.