Designer na si Eddie Baddeo pumanaw sa edad na 57

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 02:17 PM SHARE(S):

Pumanaw na sa edad na 57 ang kilalang designer na si Eddie Baddeo.

Inanunsyo ng kaniyang partner na si Edgardo Media sa pamamagitan ng Facebook post ang pagpanaw ni Baddeo ala 1:40 ng madaling araw ng Biyernes, Aug. 16.

Si Baddeo ay na-diagnose na may stage 2 colorectal cancer noong 2016.

Nakilala siya sa fashion industry lalo na noong kasagsagan ng dekada 80.

Bago pumanaw ay naipagdiwang pa ni Baddeo ang kaniyang ika-33 taon sa fashion industry.

Nakatakda sana niyang ilunsad ang kaniyang libro na may titulong “Obra Maestra” sa Setyembre Cultural Center of the Philippines (CCP).

TAGS: eddie baddeo, fashion, fashion industry, eddie baddeo, fashion, fashion industry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.