P2M halaga ng shabu nakumpiska sa Cebu City; 2 arestado

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 12:01 PM

Aabot sa P2 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Cebu City.

Unang isinagawa ang operasyon alas 10:30 ng gabi ng Huwebes, August 15, 2019 sa Sitio San Miguel, Barangay Apas Lahug kung saan nadakip si Jovanne Zabate Cabuenas, 29-anyos.

Nakumpiska kay Cabuenas ang isang pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P680,000 ang halaga.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Glenn Mayam ng Special Operation Unit (SOU) 5, si Cabuenas ay miyembro ng big-time drug group na nag-ooperate sa Cebu.

Ikinasa naman ang ikalawang operasyon ng Labangon Police Station alas 4:30 ng umaga ng Biyernes, August 16, 2019, sa Buhisan Road, Barangay Buhisan.

Nadakip naman sa nasabing operasyon ang high-valued target na si Lorlando Virgil Cabahug Ongos, 32-anyos .

Nakumpiska kay Ongas ang dalawang malalaking plastic ng shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.

Sinabi ni Police Major Henrix Bancoleta, Labangon Police chief, isang linggo nilang isinailalim sa surveillance si Ongas.

Kapwa nakakulong na ngayo ang dalawang suspekk sa Cebu City Police Office (CCPO).

TAGS: buy bust, Cebu City, War on drugs, buy bust, Cebu City, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.