Abandonadong kahon sa ilalim ng EDSA – Shaw Blvd., kinordonan; bahagi ng kalsada isinara sa mga motorista
By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 11:40 AM
(UPDATE) Isang kahon ang iniwan sa center island sa ilalim ng EDSA-Shaw Boulevard..
Ibinahagi ni MMDA EDSA Traffic Head Bong Nebrija ang larawan ng malaking kahon na iniwan sa ilalim.
Agad namang kinordonan ng mga tauhan ng Mandaluyong City police ang naturang kahon.
Isinara din ng ilang minuto sa mga motorista ang northbound at southbound lane ng EDSA-Shaw ilalim.
Nang i-detonate ay nakitang pawang styrofoam lamang ang laman ng kahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.