LOOK: Barangay Hall sa Brgy. Damayang Lagi sa QC, giniba

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 11:05 AM

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang clearing operations sa Brgy. Damayang Lagi sa Quezon City.

Giniba ang barangay hall ng Damayang Lagi dahil nakaharang na ito sa sidewalk.

Dumating din sa clearing operations si MMDA Chairman Danilo Lim at si NCRPO chief Police Maj. Guillermo Eleazar.

Ang paggiba sa barangay hall ay tugon sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na linisin ang mga pampublikong kalsada sa anumang obstructions.

Kasabay ng paggiba agad pinagkalooban ng pansamantalang lugar na pagtatayuan ng barangay hall ang Brgy. Damayang Lagi.

TAGS: barangay hall, damayang lagi, DILG, Mayor Joy Belmonte, quezon city, barangay hall, damayang lagi, DILG, Mayor Joy Belmonte, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.