Pelikulang “Quezon’s Game” at “Ang Larawan” libreng mapapanood sa Trinoma Mall sa QC

Bilang selebrasyon sa Buwan ng Wika at sa ika-141 Anibersaryo ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon, libreng mapapanood sa Trinomal Mall sa Quezon City ang mga pelikulang “Quezon’s Game” at “Ang Larawan”.

Ang libreng block screening ng dalawang pelikula ay gaganapin sa August 19, 2019 sa Cinema 1 ng Trinoma.

Alas 11:00 ng umaga ang screening ng “Ang Larawan” at alas 3:00 naman ng hapon ang screening ng “Quezon’s Game”.

Libre para sa lahat ang back to back screening ng dalawang pelikula.

Sa abiso ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, para sa mga interesado ay maaring tumawag, mag-text, o mag-message via viber sa 09193365716 para makapagpa-reserba.

Read more...