Senator Manny Pacquaio sinimulan na ang rehearsal para sa Sept. 1 concert

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 10:18 AM

Nagsimula nang mag-rehearse para sa kaniyang concert sa September 1 si Senator Manny Paquiao.

Ang free concert ang magiging kauna-unahang concert ng senador.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Pacquiao ang kaniyang ginagawang rehearsal.

Sa kaniyang IG story sinabi ng senador na hindi siya tiyak kung kakayanin niya pero susubukan niya at gagawin niya ang kaniyang makakaya.

Kabilang sa mga kanta na pina-practice ni Pacquiao base sa kaniyang IG story ay ang kantang “Pagsubok” ng Orient Pearl at “Buwan” ni Juan Karlos.

Ang libreng concert ni Pacquiao ay gaganapin sa Araneta Coliseum.

TAGS: manny pacquiao, rehearsal, september 1 concert, manny pacquiao, rehearsal, september 1 concert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.