‘Toy Story 4’ ng Disney kumita na ng mahigit $1B

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 10:00 AM

Lumagpas na sa $1 bilyon ang kinita ng pelikulang “Toy Story 4” mula sa kumpanyang Disney at Pixar.

Ayon sa ulat, umabot na sa $1.001 bilyon ang worldwide ticket sales ng nasabing pelikula para magtala ng bagong record sa bakuran ng Disney at Pixar.

Ang “Toy Story 4” ang ika-limang pelikula ng Disney na may hawak ng record sa billion dollar mark kabilang ang “Avengers: Endgame,” “Captain Marvel,” “Aladdin,” at “The Lion King.”

Nakapagtala ito ng may pinakamalaking kita para sa isang animated films nang magbukas sa mga sinehan noong June 21 na umabot sa $120-milyon.

Ang nasabing pelikula ay sequel ng Toy Story movie kung saan tampok ang mga karakter na sina Woody at Buzz Lightyear at ipinakilala naman ang bagong karakter na si Forky. //

Excerpt:

TAGS: Disney, pixar, Toy Story 4, Disney, pixar, Toy Story 4

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.