Pamangkin at co-accused ni Senator Leila De Lima naaresto sa Pampanga
Naaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamangkin at co-accused ni Senator Leila de Lima sa kaniyang mga kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Si Jose Adrian Dera ay dinakip sa Angeles City alas 5:30 ng umaga ng Biyernes (Aug. 16) ayon sa abogado niyang si Atty. Raymond Palad.
Dadalhin si Dera sa NBI headquarters sa Maynila.
Si Dera ay isa sa mga co-accused ni De Lima sa illegal drug case na nakasampa sa Muntinlupa City Regional Trial Court.
Dalawang taon ding pinaghanap ng mga otoridad si Dera.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.