Bus ng QC government magsasakay ng mga pasahero sa Commonwealth Ave. kapag rush hour

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 09:42 AM

Inumpisahan na ng Quezon City Local Government ang pagtatalaga ng mga bus para magsakay ng mga pasahero na hirap makasakay sa Commonwealth Avenue.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nagiging ugat din ng matinding pagsisikip sa daloy ng traffic sa Commonwealth Avenue lalo na kapag rush hour ang madaming pasaherong nag-aabang ng masasakyan at nakakalat sa kalsada.

Sinasakop ng mga pasahero ang ilang linya sa Commonwealth Avenue kaya nababawasan ang linyang dinaraanan dapat ng mga sasakyan.

Kahapon, Huwebes (Aug. 16) sa kasagsagan ng rush hour ng umaga nagpadala ng 8 bus ang Quezon City Hall para magsakay ng mga pasahero.

Sa ulat ni Atty Ariel Inton, pinuno ng Task Force on Transport Management kay Belmonte, sa isinagawang dry run ay nakapagsakay ang mga bus ng 500 pasahero sa kahabaan ng Commonwealth.

Dahil naging matagumpany ang dry run ay target ng lokal na pamahalaan na gawin na ito araw-araw.

TAGS: bus, commonwealth avenue, Free Ride, quezon city, traffic, bus, commonwealth avenue, Free Ride, quezon city, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.