Pulis, inakusahang ‘nangupit’ umano sa suicide victim

By Jay Dones December 30, 2015 - 04:19 AM

 

Mula sa Google

Nalalagay sa alanganin ang karera ng isang pulis makaraang akusahan na nagnakaw ng pera mula sa isang lalakeng nagsuicide noong Pasko.

Ayon kay Police Chief Inspector Noel Riparip, hepe ng General Assignment Section ng Manila Police District, nahaharap sa kasong administratibo ang pulis na si SPO4 Noel Villamor na inirereklamo ng pang-uumit o pagnanakaw ng maybahay ng suicide victim na si Al Santiago, 46-anyos.

Kwento ni Nenita Santiago sa imbestigador na si PO3 Cesar Bianes, isa si SPO4 Villamor sa mga kasapi ng Sta. Cruz station na nag-imbestiga nang magpatiwakal ang kanyang mister noong December 25.

Nagbigti ang biktima na isang mananahi sa loob ng kanilang tailoring shop sa Central Market makaraan silang magtalo ng kanyang misis.

Ayon kay PO3 Bianes, iginigiit ng ginang  na nakita niya si Villamor na siyang kumuha ng wallet ng kanyang mister para umano sa “safekeeping”.

Nang magreklamo ang ginang,  ibinalik ng pulis ang wallet makalipas ang ilang araw, ngunit naglalaman na lamang ito ng P5,000 sa halip na P15,000.

Giit aniya ni Ginang Nenita, sigurado siyang nasa P15,000 ang laman ng wallet ng kanyang mister dahil katatapos lamang nilang makapagbenta ng isang sewing machine nang ito’y magpakamatay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.