Davao Occidental at Pangasinan niyanig ng lindol
Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa 171 kilometers Southeast sa bayan ng Sarangani, ala-1:55 umaga ng Biyernes (August 16) at may lalim na 42 kilometers.
Samantala, magnitude 3.5 na lindol naman ang naitala sa lalawigan ng Pangasinan.
Naitala ang pagyanig sa 31 kilometers Northwest sa bayan ng Bolinao, alas-3:35 ng umaga at may lalim na 19 kilometers.
Tectonic ang origin ng dalawang lindol.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.