Isinilbi ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Region 7 ang search warrant laban sa mga suspek sa Port Area, Barangay VI, San Carlos City.
Nadakip ang mga suspek na kinilalang sina Rhoy Macahito Traspadillo na nagmementena ng drug den sa lugar, Kim Silva Batusin, Antonio Pilarion Jakosalem, Jayfred Almitante Bendecio, Jobert Caparida Señerez at Irish Joper Villaruel Magpantay.
Nakumpiska sa kanila ang 15 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.
Mahaharap ang anim sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
MOST READ
LATEST STORIES