Miyembro ng akyat-bahay arestado sa Marikina

By Dona Dominguez-Cargullo August 16, 2019 - 06:34 AM

Balik-kulungan ang isang lalaki na sangkot sa serye ng panloloob sa mga bahay sa Marikina City.

Ang suspek na si Edward Decimo, 28 anyos ay nadakip matapos isumbong ng mga residente sa Barangay Parang dahil palibot-libot siya sa lugar at kaduda-duda ang kilos.

Ayon kay Police Capt. Jervies Soriano ng Marikina Police, nadadtan ng mga pulis ang suspek sa nasabing barangay at nang aarestuhin ay nagtangka pa itong tumakas.

Sinabi ni Soriano na si Decimo ay dati na ring nakulong dahil sa pagnanaw.

Nakumpiska sa suspek ang kalibre 22 na baril.

Modus ng grupo ni Decimo ang magpanggap na nangangalakal at saka papasukin ang target nilang bahay.

Aminado naman ang suspek sa ilegal na gawain at sinabing ang mga cellphone, alahas at iba pang gamit na kanilang nakukulimbat ay ibinebenta nila para ipangbili ng shabu.

TAGS: akyat bahay, Marikina, police report, Radyo Inquirer, akyat bahay, Marikina, police report, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.