Lalaki arestado matapos magpanggap na pulis sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 16, 2019 - 04:38 AM

Timbog ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis sa Sampaloc, Maynila.

Nakilala ang suspek sa alyas na ‘Samuel’, residente ng Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Ayon sa Sampaloc Police, sinita ng Manila Traffic and Parking Bureau ang suspek sa P. Campa St. kanto ng A. Mendoza St. dahil sa paglabag sa number coding.

Habang tinitekitan ng traffic enforcers si Samuel, nagpakilala itong pulis mula sa Quezon City Police District Station 6.

Nagpakita pa ito ng identification card (ID) ng PNP pero duda ang traffic enforcers kaya’t agad nila itong itinawag sa UBA Police Station.

Kinumpirma ng mga pulis na peke ang ID ng suspek.

Dahil dito sasampahan ang suspek ng mga kasong usurpation of authority at falsification of public documents.

 

TAGS: falsification of public documents, Manila Traffic and Parking Bureau, Maynila, nagpanggap, number coding, Pulis, Quezon City Police District Station 6, Sampaloc Police, UBA Police Station, usurpation of authority, falsification of public documents, Manila Traffic and Parking Bureau, Maynila, nagpanggap, number coding, Pulis, Quezon City Police District Station 6, Sampaloc Police, UBA Police Station, usurpation of authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.