LA center DeMarcus Cousins hindi muna maglalaro dahil sa injury
Pinangangambahang hindi makakapaglaro si Los Angeles center DeMarcus Cousins sa buong NBA 2019-2020 season.
Ayon sa report ng The Athletic, nagkaroon si Cousins ng torn ACL sa kanyang tuhod.
Nauha ni Cousins ang injury nang tumama ang tuhod nito sa ibang player habang nasa work-out.
Matatandaan na nakuha ng Lakers si Cousins matapos itong pumirma ng 1 taong deal nang ito ay maging free agent matapos ang season kasama ang Golden State Warriors.
Hindi na ito nakapag-laro sa first half ng 2018-2019 season dahil naman sa torn Achile
Sa loob ng 9 na NBA season, nagtala si Cousins ng average na 21.2 average at 10.9 rebounds kada laro.
Sa paglipat sa Lakers, muling makakasama ni Cousins ang dating teammate sa New Orleans Pelican na si Anthony Davis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.