Magugunitang isiniwalat ni PACC Commissioner Greco Belgica noong Miyerkules na dalawang Cabinet officials ang kanilang iniimbestigahan matapos makatanggap ng reklamo sa mga ito.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na tinanong niya ang pangulo kung may alam ito sa imbestigasyon ng PACC.
Ngunit sumagot umano si Duterte na wala siyang alam.
Muling iginiit ni Panelo na hindi makikialam ang presidente sa trabaho ng PACC.
Ani Panelo, trabaho ng naturang ahensya na mag-imbestiga at hanggang walang final findings o recommendaton ay hindi ito malalaman ng pangulo.
“Wala…wala kaming—you know, that agency, the PACC, it’s its duty to investigate. So, until such time tapos na mayroon silang findings, recommendation, hindi malalaman ni Presidente iyon,” ani Panelo.