Pagbisita ng casts ng ‘Hello, Love, Goodbye’ sa Hong Kong hindi tuloy

By Len Montaño August 16, 2019 - 03:24 AM

Dahil sa protesta sa Hong Kong, hindi tuloy ang pagbisita nina Alden Richards, Kathryn Bernardo at ibang casts ng blockbuster movie na “Hello. Love. Goodbye.”

Ikinalungkot ito nila Alden at Kathryn lalo na’t espesyal ang naging papel ng Hong Kong sa kanilang pelikula.

Ngayon pa lang ay nagkakaroon na ng tila separation anxiety ang mga casts ng pelikula.

Pero ayon sa aktor, unti-unti ay magiging malinaw na sa kanya na kailangan na nilang bumalik ni Kathryn sa kanya-kanya nilang gawain matapos ang matagumpay na pelikula.

Sa loob ng dalawang linggo ay kumita na ang pelikula ng mahigit P505 million.

Dahil dito ay lumutang na magkakaroon ng part 2 ang pelikula.

Ayon kay Alden, nasa planning stage ito at pinag-iisipan kung matapos ang goodbye ng pelikula ay muli itong maghe-hello para sa sequel.

 

TAGS: "Hello Love Goodbye", ALden Richards, blockbuster, hindi tuloy, Hong Kong, Kathryn Bernardo, part 2, protesta, sequel, "Hello Love Goodbye", ALden Richards, blockbuster, hindi tuloy, Hong Kong, Kathryn Bernardo, part 2, protesta, sequel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.