De Lima balik-kulungan na matapos bisitahin ang ina

By Len Montaño August 16, 2019 - 01:30 AM

Matapos ang kanyang furlough ay nakabalik na sa Camp Crame na si Senator Leila De Lima Huwebes ng gabi.

Balik-kulungan na si De Lima matapos nitong bisitahin ang may sakit na ina sa Iriga City, Camarines Sur.

Sa kanyang petisyon na malakabas ng kulungan ay hiniling ng Senadora na mabisita ang 86 anyos na ina na si Norma.

Hiling ito ng mambabatas sa korte sa dahilang kritikal na ang kundisyon ng kanyang ina at sinabihan na ang pamilya na maghada sa anumang mangyayari.

Pinayagan ng hukom sa Muntinlupa si De Lima kaya Huwebes ng madaling araw ay pumunta ito sa Iriga City at bumalik makalipas ang 8 oras alinsunod sa kundisyon ng korte.

Pero sa kabuuan ng pagbisita sa ina ay hindi ito pinayagan ng korte na makapanayam ang media.

Isa sa mga kapatid ng Senadora ang nagsalita at nagsabing masaya ang kanilang ina na muling nakita ang anak.

Nagpasalamat din ang mga kaanak ni De Lima na nakalabas ito ng kulungan kahit sa sandaling oras lamang.

Isa na anila itong birthday gift para sa Senador na magdiriwang ng kaarawan sa August 27.

Nakakulong ang Senadora dahil sa kinakaharap nitong kaso na may kinalaman sa kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: balik kulungan, bisita, Camarines Su, Furlough, Iriga City, Senator Leila De Lima, balik kulungan, bisita, Camarines Su, Furlough, Iriga City, Senator Leila De Lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.