84 PAO lawyers tinawag na ‘fake news’ ang panawagang suspendihin sina Acosta, Erfe

By Len Montaño August 16, 2019 - 12:39 AM

Itinuring ng 84 abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) na “fake news” ang lumabas na umanoy panawagan nilang suspendihin ang kanilang pinuno na si Atty. Percida-Acosta at si forensics chief Dr. Erwin Erfe.

Itinanggi ng PAO lawyers ang anonymous manifestation na lumabas sa publiko.

Sa kanilang manifesto araw ng Huwebes, pinabulanan ng mga abogado ng PAO na may ginawa silang dokumento para suspendehin sina Acosta at Erfe dahil sa umanoy kurapsyon.

“In order to shed light on the matter, the undersigned public attorneys herein categorically deny the alleged subject anonymous manifestation that has become the subject of fake news,” pahayag ng PAO lawyers.

Hindi umano sila ang nagsulat ng manifesto o nagsumite nito sa Office of the Ombudsman.

Malinaw anila na ang manifesto ay gawa-gawa lamang ng ibang tao na may sariling interes.

Pahayag ito ng PAO lawyers kasunod ng alegasyon na nakinabang umano sina Acosta at Erfe sa kontrobersyal na Dengvaxia.

Ito ay dahil kailangan umano ang mas maraming office supplies sa gitna ng obserbasyon ng Commission on Audit (COA) na may sobrang P13.1 milyon na halaga ng mga kagamitan ang PAO.

 

TAGS: Atty. Percida Acosta, COA, Dengvaxia, Dr. Erwin Erfe, fake news, itinanggi, manifesto, Office of the Ombudsman, PAO, suspendihin, Atty. Percida Acosta, COA, Dengvaxia, Dr. Erwin Erfe, fake news, itinanggi, manifesto, Office of the Ombudsman, PAO, suspendihin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.