Isinarang bahagi ng Boracay binuksan na matapos ang pagsusuri

By Len Montaño August 15, 2019 - 10:53 PM

Ligtas sa coliform levels ang tubig sa bahagi ng dalampasigan ng Boracay na isinara matapos na dumumi umano ang isang bata at ibinaon sa buhangin ang diaper nito.

Dahil dito ay pinabuksan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang bahagi ng isla na inutos na isara ng 48 oras.

Ayon sa DENR, nagresulta ng safe levels ang coliform bacteria level test sa water samples na kinuha araw ng Miyerkules.

Pinatanggal na ni DENR Secretary Roy Cimatu ang kordon alas 5:00 Huwebes ng hapon gayundin ang swimming ban sa naturang lugar.

Matatandaan na kumalat ang video kung saan mapapanood ang tila paghuhugas ng isang babaeng dayuhan sa isang bata sa tubig dagat habang ang isa pang dayuhan ay ibinabaon ang umanoy diaper sa buhangin sa bahagi ng Boracay Station 1.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakumpirma ng mga otoridad ang pagkakilanlan ng mga babae sa video pero inaalam na ito ng ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Bureau of Immigration (BI).

 

TAGS: boracay, coliform bacteria level test, coliform level, DENR, diaper, fecal coliform level, isla, ligtas, safe level, Secretary Roy Cimatu, station 1, water samples, boracay, coliform bacteria level test, coliform level, DENR, diaper, fecal coliform level, isla, ligtas, safe level, Secretary Roy Cimatu, station 1, water samples

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.