Retiradong sundalo, timbog dahil sa pamamaril sa Puerto Princesa City

Arestado sa pamamaril ang isang retiradong sundalo sa Puerto Princesa City.

Nakilala ang suspek na si Arnold Calopez, 56-anyos, may asawa at retired member ng Philippine Navy.

Kinilala naman ang biktima na si Romeo Pagayuna, nasa hustong gulang na nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad na dinala ang biktima sa malapit na pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente sa Baltan Interior sa bahagi ng Purok Balikatan, Barangay San Miguel bandang 4:45, Huwebes ng hapon (August 15).

Base sa paunang ulat ng Puerto Princesa PNP, dahil sa kalasingan, nag-amok ang biktima sa harapan ng bahay ng suspek, kung saan ito ang nagtulak sa suspek na barilin niya ang biktima.

Mahinahon namang sumuko ang suspek sa mga otoridad at nakuha rin sa suspek ang baril na ginamit nito sa pamamaril.

Read more...