Naibahaging bilang ng Pantawid Pasada cards, umabot na sa higit 111,000

DOTr

Umabot na sa mahigit 111,000 ang naipamahaging bilang ng mga Pantawid Pasada fuel subsidy card sa mga franchise owner ng mga Public Utility Jeepney (PUJ).

Sa Twitter, inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na nasa kabuuang 111,204 na Pantawid Pasada cards ang naipamahagi simula July 2018 hanggang August 5, 2019.

Ayon sa DOTr, katumbas ito ng P556,020,000.

Sa ilalim ng programa, makatatangap ng tig-P5,000 na subsidy ang mga drayber at operator ng PUJ.

Katuwang ng DOTr sa programa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read more...