Arwind Santos, pinagmumulta ng P200,000 dahil sa ginawang monkey gesture kay Terrence Jones
Pinagmulta si Arwind Santos ng P200,000 ng PBA Commissioner’s Office matapos ang ginawang monkey gesture kay Talk N’ Text import player Terrence Jones.
Ginawa ni Santos ang monkey gesture sa Game 5 ng Finals ng PBA Commissioner’s Cup.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na tinututulan nila ang ‘racial discrimination’ sa basketball at sports, partikular sa PBA.
Maliban sa multa, dadaan din ang manlalaro sa community service at counseling.
Sa Twitter, inamin naman ni Santos ang pagkakamali sa insidente.
Nag-sorry ang manlalaro kay Terrence Jones at maging sa mga tagahanga ng Talk N’ Text, San Miguel Beermen at PBA.
Wala aniya siyang masamang intensyon sa naging akto kay Jones.
Humingi rin ng paumanhin si Marcial kay Jones at sa pamilya nito.
Narito ang pahayag ni Santos:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.