P1.4M na halaga ng ecstasy, nasamsam sa Quezon City
Timbog ang isang lalaking drug suspect matapos ang ikinisang buy-bust operation ng mga otoridad sa Quezon City.
Target ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na nakilalang si Arnold Immanuel.
Narekober sa suspek ang 465 ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.
Ginawa ang nasabing operasyon sa Barangay Bagumbayan bandang 9:40, Miyerkules ng umaga.
Nahaharap ang suspek sa kasong pagbalag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang nasabing operasyon ay pinagsanib na pwersa ng PDEA at Quezon City Eastwood Police Station.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.