China, pinagpapaliwanag ng Pilipinas sa 5 Chinese warships sa Sibutu Strait

By Chona Yu August 15, 2019 - 06:35 PM

Pinagpapaliwanag ng Palasyo ng Malakanyang si Chinese ambassador Zhao Jianhua kaugnay sa lima pang Chinese warships na dumaan sa Sibutu Strait sa Tawi-Tawi sa buwan ng Agosto nang walang paaalam sa pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nangako na kasi aniya ang China kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na magbibigay ng abiso ang Chinese navy kung papasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Malinaw aniya na hindi ito gawain ng isang tunay na magkaibigan na basta na lamang pumasok sa isang teritoryo nang walang abiso.

Malinaw aniya na labag sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang ginawa ng China nang dumaan sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, tiyak na may gagawing aksyon ang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa nasabing insidente.

Dagdag ni Panelo, nasa pagpapasya na ni Pangulong Duterte kung ididiga kay Chinese President Xi Jinping ang Sibutu Strait incident.

Target din aniya ng pangulo na talakyin kay Xi ang pagbalangkas sa code of conduct.

Nakatakdang magkaroon ng bilateral talks sina Pangulong Duterte at Xi ngayong buwan ng Agosto.

TAGS: China, Pilipinas, Salvador Panelo, sibutu strait, UNCLOS, Zhao Jianhua, China, Pilipinas, Salvador Panelo, sibutu strait, UNCLOS, Zhao Jianhua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.