Mayor Belmonte nagpatawag ng pulong sa Pride Council matapos ang insidenteng kinasangkutan ng isang trans woman sa mall sa QC

Ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa Gender and Develoment Council at sa Quezon City Pride Council na palakasin pa ang kampanya sa pagbibigay impormasyon at edukasyon kaugnay sa ordinansa na Gender-Fair Ordinance at Gender and Development Code.

Ang kautusang ito ni Mayor Belmonte ay ginawa matapos pagbawalan ang isang trans woman na gumamit sa pambabaeng CR sa isang mall sa Cubao.

Ayon sa alkalde na malinaw na hindi sumusunod ang Famer’s Mall sa nasabing ordinanasa ng lunsod, kung saan lahat ng opisina ng gobyerno, pribado at commercial establishments sa Quezon City ay dapat may nakatalaga na CR para lang sa mga miyembro ng LGBTQIA+ o All-Gender Toilet.

Aminado naman si Belmonte na hindi pa lubos ang kaalaman ng mga establsyimento at kumpanya sa Quuezon City tungkol sa ordinansa sa lungsod.

Dahil dito, inatasan ni Belmonte ang Business Permits and Licensing Department na tiyakin sa mga kukuha ng mga business permits na tatalima sa nasabing ordinanasa.

Tiniyak naman ni Belmonte sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community sa protektado ang kanilang karapatan sa lungsod ng Quezon.

Read more...