Pagbabawal ng janitress sa transgender na makagamit sa CR ng mga babae mali ayon sa Malakanyang

By Chona Yu August 15, 2019 - 04:15 PM

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na mali ang ginawa ng janitress ng isang mall nang pagbawalan na gumamit ng pambabaeng palikuran ang transgender na si Gretchen Custodio Diez.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, dapat na binigyan ng patas na pagtrato si Diez at iba pang miyembro ng LGBT community.

May ordinansa aniya ang Quezon City na gender fair ordinance na nagbibigay proteksyon at patas na pagtrato sa LGBT.

Malinaw aniya na paglabag sa ordinansa ang ginawa ng janitress.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na suportado ng pangulo ang pagbibigay ng pantay na pagtrato sa LGBT.

Katunayan, suportado ng pangulo ang sexual orientation, gender identity and gender expression o SOGIE equality bill.

Pero hindi naman matiyak ni Panelo kung sesertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang naturang panukala.

TAGS: discrimination, lgbtq, quezon city, SOGIE bill, transwoman, discrimination, lgbtq, quezon city, SOGIE bill, transwoman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.