Bangkay ng lalaki na nalunod sa Tanza, Cavite natagpuan na ng coast guard

By Mary Rose Cabrales August 15, 2019 - 04:08 PM

Natagpuan na ang mga labi ng lalaking nalunod kahapon Miyerkules (August 14) sa Tanza, Cavite.

Na-recover ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard Sub-Station Rosario at Tanza Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ang bangkay sa baybayin ng Starfish Beach Resort sa Barangay Amaya 1 sa Tanza, Cavite.

Isang report mula sa isang concerned citizen ang natanggap ng ng Coast guard na may nalulunod na lalaki sa La Playa Beach Resort sa Barangay Calibuyo kahapon.

Agad namang nagsagawa ng search and rescue operations matapos matanggap ang ulat pero dahil sa malakas na hangin at malalaking alon ay itinigil kahapon ang paghahanap.

Muling itinuloy ngayong araw ang paghahanap na nagresulta sa pagkakarekober sa bangkay na positibo namang kinilala ng kanyang kapatid.

TAGS: cavite, drowning incident, Radyo Inquirer, Tanza, cavite, drowning incident, Radyo Inquirer, Tanza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.