Passenger jet nag-emergency landing sa Russia dahil sa bird strike, 23 sugatan
Sugatan ang 23 katao, kabilang ang limang bata, matapos magsagawa ng emergency landing ang isang passenger jet sa taniman ng mais sa Moscow, Russia.
Lulan ng eroplano ang 226 na pasahero at pitong crew member.
Ayon sa mga otordidad, nabangga ng Ural Airlines A321 ang grupo ng mga ibon sa himpapawid matapos mag-take off mula sa Zhukovsky airport.
Nagkaroon ng problema sa eroplano matapos ang insidente.
Dahil dito, nagdesisyon ang piloto na magsagawa ng emergency landing sa taniman ng mais, isang kilometro ang layo mula sa paliparan.
Patuloy namang binibigyan ng lunas ang mga biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.