Malakanyang nainsulto sa viral video ng turista na nagpapadumi ng bata sa Boracay Island

By Chona Yu August 15, 2019 - 03:48 PM

Nainsulto ang Palasyo ng Malakanyang sa viral video ng isang turista na nagpapadumi sa isang bata sa dagat ng Boracay Island.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, panay kasi ang paglilinis at pagsasaayos ng pamahalaan para maibalik ang sigla ng isla subalit nakadidismaya na may mga turista na panay naman ang pagdudumi.

Ayon kay Panelo, hindi kukunsintihin ng pamahalaan ang sinuman na lalabag sa environmental laws.

May mga lokal na ordinansa aniya ang Boracay kung kaya maaring masampahan ng kasong administratibo ang turistang nagpapadumi ng bata sa dagat.

Una rito, nag viral ang video ng isang turista na sinasabing Chinese na nagpapadumi ng bata habang ang isang turista naman ay nagbabaon ng diaper sa dalampasigan.

TAGS: Boracay Island, Chinese tourist, clean-up drive, environment, Boracay Island, Chinese tourist, clean-up drive, environment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.