Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Pia ang ilang larawan ng kaniyang pamamasyal para sa isang travel program.
Isa sa inikot ng Pinay beauty queen ang mga kalsada sa Hoi An old town.
Ani Pia, excited siyang personal na masaksihan ang lantern festival sa lugar ngayong araw.
Pinaniniwalaan din aniyang ang pagpapakawala ng lantern ay simbolo ng swerte.
Maliban dito, naranasan din ni Pia na magsuot ng tradisyunal na Vietnamese dress na Ao Dai.
Nasubukan din nito ang mga patok na pagkain at kape sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES