Masayang naglibot si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ilang kilalang lugar sa Vietnam.
Gamit ang kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Pia ang ilang larawan ng kaniyang pamamasyal para sa isang travel program.
Isa sa inikot ng Pinay beauty queen ang mga kalsada sa Hoi An old town.
Ani Pia, excited siyang personal na masaksihan ang lantern festival sa lugar ngayong araw.
Pinaniniwalaan din aniyang ang pagpapakawala ng lantern ay simbolo ng swerte.
Maliban dito, naranasan din ni Pia na magsuot ng tradisyunal na Vietnamese dress na Ao Dai.
Nasubukan din nito ang mga patok na pagkain at kape sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.