Lalaki patay nang mahulog sa bangin ang sinasakyang van sa Ifugao

By Angellic Jordan August 15, 2019 - 03:38 PM

Patay ang isang lalaki makaraang mahulog ang sinasakyang van sa isang bangin sa Ifugao.

Kinilala ang biktima na si Wilson Batang-e Jr., 35-anyos at residente ng Barangay Poblacion.

Binabagtas ng biktima ang bahagi ng Tinoc-Buguias Road nang madulas ang minamanehong van dahilan para mahulog sa bangin sa Barangay Eheb sa Tinoc.

Ayon sa mga otoridad, patungo sana ang biktima sa bayan ng Buguias.

Dahil dito, nagpaalala ang pamahalaang lokal sa mga motorista na iwasang bumiyahe sa nasabing kalsada tuwing at pagkatapos makaranas ng malakas na pag-ulan.

TAGS: accident, Ifugao, Tinoc, accident, Ifugao, Tinoc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.