SOGIE bill, napapanahon nang ipasa kasunod ng insidente sa mall na kinasangkutan ng isang transgender

By Erwin Aguilon August 15, 2019 - 03:32 PM

Mariing kinondena ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang pagbabawal sa transgender na si Gretchen Diez na gumamit ng pambabaeng CR sa Farmer’s Mall sa Cubao.

Ayon kay Roman, ito ay isang malinaw na diskriminasyon sa miyembro ng LGBTQ.

Labis ang pagkadismaya ng kongresista lalo’t nangyari ang insidente sa Quezon City na merong ordinansa na nagbabawal sa diskriminasyon.

Dahil dito’y iginiit ng mambabatas ang pangangailagang maipasa na ang Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression o (SOGIE) Equality Bill.

Sinabi ni Roman, maaaring maliit ang LGBT community pero Pilipino rin ang mga ito na may mga karapatang dapat protektakan.

Matatandaang pumasa sa Kamara ang SOGIE bill noong 17th Congress pero bigong umusad sa Senado.

TAGS: geraldine roman, House of Representatives, lgbtq, SOGIE bill, geraldine roman, House of Representatives, lgbtq, SOGIE bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.