WATCH: Australian ambassador kinantahan ni Mayor Isko Moreno at ng mga empleyado ng Arroceros Park
Matapos ipasyal sa Arroceros Park sa Maynila inaliw naman ni Manila Mayor Isko Moreno sa pamamagitan ng isang awitin si Australian Ambassador Steven Robinson.
Kasama ang mga empleyado ng Arroceros Park, kinantahan ni Moreno at ng mga empleyado ng parke si Robinson ng awiting “Manila” ng grupong “The Hotdog”.
Si Robinson ay nag-courtesy call kay Moreno, Huwebes (Aug. 15) ng umaga.
Matapos ito ay ipinasyal ni Moreno ang Australian envoy sa Arroceros Forest Park.
Ibinahagi ni Moreno kay Robinson ang plano ng lokal na pamahalaan na i-expand at pagandahin pa ang naturang parke.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.