LOOK: Canopy at multi-purpose hall ng barangay sa QC, giniba

Tuluy-tuloy ang isinasagawang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Quezon City.

Sa Barangay Quirino 2A, giniba ang bahagi ng barangay hall dahil lumagpas na ito sa sidewalk.

Isinagawa ng Quezon City-Department of Public Order and Safety (DPOS), Task Force Control Prevention and Removal of all Illegal Structures and Squatting (TF-COPRISS) at Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) ang operasyon.

Giniba ng team ang canopy at multi-purpose hall ng Barangay Quirino 2A.

Sinakop na kasi nito ang sidewalk sa bahagi ng Chico Street .

Ang hakbang ay kasunod ng direktiba ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang pagtalima sa deadline ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Metro Manila mayors upang linisin sa anumang obstructions ang to public roads at sidewalks.

Read more...