LOOK: Ilang flights patungong Japan dahil sa sama ng panahon

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2019 - 11:24 AM

(UPDATE as of 1:45PM) Kanselado ang ilang biyahe ng eroplano ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Ang mga nakansela ay mga biyaheng patungo at mula sa Japan dahil nananalasa doon ang Severe Tropical Storm Krosa.

Sa abiso ng Philippine Airlines (PAL) kanselado ang sumusunod nilang flights:

Terminal 2
PR 408 Manila-Kansai
PR 438 Manila-Nagoya
PR 411 Kansai-Manila
PR 412 Manila-Kansai
PR 410 Cebu-Osaka
PR 480 Cebu-Nagoya

Ayon sa PAL, ang mga apektadong pasahero ay ia-accommodate sa susunod na biyahe bukas, Aug. 16 araw ng Biyernes.

Samantala, kanselado rin ang sumusunod na biyahe ng Cebu Pacific:

Cebu Pacific
Terminal 3
5J 828 Manila-Kansai
5J 827 Kansai-Manila
5J 5038 Manila-Nagoya
5J 5039 Nagoya-Manila

Ang Bagyong Krosa ay nananalasa sa Western Japan at naghahatid ng malakas na pag-ulan at hangin. (END/DD)

TAGS: cancelled flights, Japan, severe tropical storm krosa, weather, cancelled flights, Japan, severe tropical storm krosa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.