Sinilbihan ng arrest warrant ng mga tauhan ng Cavite police at regional office ng CIDG ang suspek na si Frankie Mark Serrano, Miyerkules (Aug. 14) ng gabi sa kaniyang hideout sa Barangay Santol.
Pero ayon kay Cavite police director, Pol. Col. William Segun, tumangging magpa-aresto ang suspek at nagpaputok ng baril.
Ang nasabing arrest warrant ay inilabas ng Imus Municipal Trial Court noong June 8 para sa kasong grave threat laban kay Serrano.
Ito ay makaraang banggain ni Serrano ang 10 mga nakaparang sasakyan sa Maynila.
Nag-viral pa sa social media ang ginawa ni Serrano.
Pinagbabato siya noon ng mga residente para ihinto ang kaniyang sasakyan na kalaunan ay natagpuang abandonado sa isang bahagi ng lungsod.
Ayon kay Segun, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na si Serrano ay lider ng grupong sangkot sa abduction, theft at robbery.