Crime gang leader na nag-viral sa social media noong Mayo patay sa shootout sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo, Inquirer Southern Luzon August 15, 2019 - 10:47 AM

Nasawi ang hinihinalang criminal gang leader na naka-base sa Metro Manila sa shootout na naganap sa Silang, Cavite.

Sinilbihan ng arrest warrant ng mga tauhan ng Cavite police at regional office ng CIDG ang suspek na si Frankie Mark Serrano, Miyerkules (Aug. 14) ng gabi sa kaniyang hideout sa Barangay Santol.

Pero ayon kay Cavite police director, Pol. Col. William Segun, tumangging magpa-aresto ang suspek at nagpaputok ng baril.

Ang nasabing arrest warrant ay inilabas ng Imus Municipal Trial Court noong June 8 para sa kasong grave threat laban kay Serrano.

Ito ay makaraang banggain ni Serrano ang 10 mga nakaparang sasakyan sa Maynila.

Nag-viral pa sa social media ang ginawa ni Serrano.

Pinagbabato siya noon ng mga residente para ihinto ang kaniyang sasakyan na kalaunan ay natagpuang abandonado sa isang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Segun, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na si Serrano ay lider ng grupong sangkot sa abduction, theft at robbery.

TAGS: cavite shootout, crime gang leader, manila, Metro Manila, cavite shootout, crime gang leader, manila, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.