Andi Eigenmann aminado na nakikipaglaban sa postpartum depression matapos isilang ang ikalawang baby

By Jimmy Tamayo August 15, 2019 - 10:34 AM

Hindi itinatago ng dating Kapamilya star na si Andi Eigenmann ang pakikipaglaban niya sa postpartum depression.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Andi ang mga nararanasan niya matapos manganak sa ikalawa niyang baby.

Ayon sa aktres handa na siyang tanggapin ang mga pagbabago sa kanyang katawan at tanggap na rin niya na bahagi ito ng pagiging ina.

Dagdag pa niya na habang tulog ang lahat sa kalagitnaan ng gabi, siya naman ay gising na gising at umiiyak na animo’y umaarte sa harap ng kamera.

Umaasa naman si Andi na makakayanan niya ang lahat kasabay ng paghingi ng tulong sa kanyang mga follower.

“I read so much about caring for a newborn and prepping to be a new mom again but I seemed to have ignored postpartum depression. But now I don’t know much about it. Just hoping that the fact that I’m aware of other moms going through this, and that I am acknowledging what this feeling may be, will hopefully be helpful.” Saad ng caption.

Nakatakdang bumalik si Andi sa Siargao kung saan siya naninirahan sa ngayon kasama ang partner na surfer na si Philmar Alipayao.

TAGS: andi eigenmann, postpartum depression, andi eigenmann, postpartum depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.