Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan na target ng kanilang hanay na makamit ang full rehabilitation sa MRT-3 sa July 2021.
Ayon kay Batan, mula sa kasalukuyang 30 ay gagawin nang 60 kilometers per hour ang takbo ng MRT sa 2021
Dadagdagan din aniya ang kasalukuyang bilang ng tren mula 15 at gagawing 20.
Ayon kay Batan ang pagitan ng dating dalawang tren o iyong tinatawag na headway ay bababa mula sa kasalukuyang 7½ to 10 minutes at ibabalik sa dating 3½ minutes na lang.
Dumating na rin aniya ang mga rail replacement para mapalitan ang mga sirang riles ng 100 percent.
Sa ngayon balik na rin aniya ang Sumimoto bilang maintenance provider ng MRT.
Tinatayang nasa 300,000 hanggang 350,000 katao ang sumasakay sa MRT araw-araw.