Paulit-ulit na pagtatanong ng mga kongresista pinalilimitahan sa budget hearing
Hinimok ni House Majority Leader Martin Romualdez ang mga kasamahang kongresista na limitahan ang paulit-ulit na pagtatanong sa deliberasyon ng panukalang 2020 budget.
Ayon kay Romualdez, sa ganitong paraan ay mas mapapabilis ang paghimay at mapagtitibay sa tamang panahon ang panukalang P4.1 trillion national budget.
Sinabi ng House leader na dahil sa maigsi lang ang time frame upang mapa-aprubahan ang national budget, malaking trabaho na madaliin ang pagproseso nito.
Sa Agosto 20 na inaasahang maisusumite ng Malakanyang sa Kamara ang kopya ng National Expenditure Program (NEP).
Nabatid mula kay House Committee on Appropriations chairman Rep. Isidro Ungab na sa Agosto 22 ay mapasisimulan na ang budget deliberations na sabay-sabay na idaraos ng mga sub-committee.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.