Mga pasahero, muling dumagsa sa Araneta Bus Terminal

By Kathleen Betina Aenlle December 30, 2015 - 12:35 AM

 

Erwin Aguilon/file photo

Muli nang nagsimula ang unti-unting pagdating ng mga pasahero sa Araneta Center Bus Terminal para bumyahe patungong mga probinsya at doon salubungin ang bagong taon.

Ngunit kung ikukumpara sa bilang ng mga pumunta kahapon ng umaga, kagabi ay bahagyang kumaunti ang mga pasaherong nasa terminal.

Karamihan sa mga taong nandoon kagabi ay iyong mga naghihintay na lamang ng kanilang sasakyang bus.

Sinasamantala na kasi ng iba ang pagkakataong makabiyahe ng maaga-aga kahapon, December 29, dahil huling araw na ng pasok sa trabaho bago sumapit ang holiday ngayong araw, December 30 na aabot hanggang Biyernes, January 1 na susundan pa ng weekend.

Tinatayang nasa 12,000 na mga pasahero ang dumating at umalis sa mga terminal patungo at mula sa mga probinsya kahapon.

Nasa parehong bilang rin naman o higit pa ang inaasahang dadagsa sa terminal ngayong araw.

Fully booked na rin ang maraming biyahe, kaya naman nagdagdag na ng mga units ang ilang bus companies, kaya pinapayuhan na nila ang mga biyehero na agahan ang pagpunta sa terminal para iwas abala at para na rin matiyak na makakasakay sila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.