4 na sasakyan nagkarambola sa Nagtahan Bridge, 2 sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo August 15, 2019 - 07:52 AM

Maagang naperwisyo ang daloy ng traffic sa Nagtahan sa Maynila makaraan ang karambola ng 4 na malalaking sasakyan sa Nagtahan Bridge.

Nabarahan ang southbound lane ng Nagtahan Bridge dahil sa aksidente sangkot ang tatlong mga truck at isang tanker.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Greg Reyes ng MMDA Metrobase, naganap ang aksidente pasado alas 6:00 ng umaga.

Dalawa naman ang naitalang sugatan sa aksidente kabilang ang isang driver at isang pahinante ng truck.

Dahil sa aksidente, pina-divert ang mga sasakyan sa ilalim ng Nagtahan (Mabini) Bridge.

Gayunman, alas 6:21 ng umaga isang trailer truck naman ang nasiraan sa ilalim.

Sinabi ni Jose Poliarco, MMDA trafic inspector, isa sa tatlong truck ang nawalan ng preno kaya inararo niya ang mga sasakyang nasa harapan.

TAGS: accident, mmda, Nagtahan Bridge, Radyo Inquirer, accident, mmda, Nagtahan Bridge, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.