Typhoon Krosa tatama ngayong umaga sa Japan; daan-daang libong residente pinalilikas na

By Rhommel Balasbas August 15, 2019 - 05:04 AM

Kyodo News

Inaasahang tatama sa Shikoku at Kyushu regions ng Japan ngayong araw ang Typhoon Krosa.

Ibinabala ng Japan Meteorological Agency (JMA) na malakas ang bagyo.

Hanggang Hapon ng Huwebes, taglay ng Typhoon Krosa ang lakas ng hanging aabot sa 108 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 144 kilometers per hour.

Pinalilikas na ang nasa 310,000 residente at nasa 350 flights na ang kanselado ngayong araw pa lamang.

Suspendido na rin ang maraming biyahe ng tren.

Sa cabinet meeting, pinayuhan ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga mamamayan na maghanda, manatiling alerto at lumikas na bago pa tumama ang bagyo.

Nagbabala ang JMA na magbubuhos ng aabot sa 1,200 millimeters ng tubig ang bagyo sa eastern at western areas ng Japan na nakaharap sa karagatang Pasipiko.

Ang pananalasa ng bagyo ay magiging balakid sa biyahe ng milyun-milyong bakasyonista mula sa summer holidays.

Ang Typhoon Krosa na ang ikasampung bagyo na tumama sa Japan ngayong taon.

 

TAGS: Japan, Kyushu, pinalilikas, Shikoku, tatama, Typhoon Krosa, Japan, Kyushu, pinalilikas, Shikoku, tatama, Typhoon Krosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.