5 timbog sa buy-bust operation sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 15, 2019 - 05:00 AM

Arestado ang limang hinihinalang tulak ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Target ng operasyon ang tatlong buwang buntis na nakilala sa alyas na ‘Girlie’ na inaresto mismo sa inuupahan nitong barong-barong.

Ayon sa Manila Police District Station 11, positibong nabilhan si Girlie ng P500 halaga ng shabu at agad itong naaresto.

Matapos ang bentahan ng droga, pinasok ng mga pulis ang bahay ng target at dito natagpuan ang kanyang di umano’y runner na nakilala sa alyas na ‘Matthew’.

Huli rin sa akto ang dalawang lalaki at isang babae na bumabatak ng shabu.

Nakuha mula sa operasyon ang 20 plastic sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: 5 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Manila Police District, Maynila, shabu, 5 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Manila Police District, Maynila, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.