Magaang trapiko sa Kapaskuhan hindi maipapangako ng MMDA

By Rhommel Balasbas August 15, 2019 - 04:28 AM

Hindi maipapangako ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas mapapagaan ang daloy ng trapiko sa kasagsagan ng holiday season.

Sa isang news forum araw ng Miyerkules, sinabi ni MMDA spokesperson Celine Pialago na hindi na mababawasan ang tindi ng trapiko.

Ayaw ng MMDA na mangakong luluwag ang trapiko dahil baka singilin ng publiko ang ahensya pagsapit ng holiday season.

“Hindi na ho natin male-lessen at ayaw po nating mangako na luluwag dahil kapag nangako po kami, I’m very sure sisingilin niyo po kami pagdating ng holiday season,” ani Pialago.

Paliwanag ng MMDA spokesperson, tumataas ng 20 percent ang bilang ng mga sasakyan mula pa lang buwan ng Setyembre,

Dapat anyang magising sa katotohanan ang publiko na talagang bumibigat ang trapiko pagsapit ng ber months.

“With our figures, data, numbers that we have, these are not lying… Kailangan ho magising ‘yung mga kababayan natin sa katotohanan, bibigat po tayo on -ber months. We have to admit that and we will be honest on that,” giit ni Pialago.

Nangako naman si Pialago na gagawin ng MMDA ang trabaho nito.

Mananatili umanong visible sa publiko ang MMDA enforcers at patuloy ang pagpapatupad sa mga polisiya at paghuli sa mga lumalabag.

 

TAGS: ber month, enforcers, hindi maipangako, magaang daloy ng trapiko, mmda, MMDA Spokesperson Celine Pialago, Pasko, ber month, enforcers, hindi maipangako, magaang daloy ng trapiko, mmda, MMDA Spokesperson Celine Pialago, Pasko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.