San Miguel 1 panalo na lang para sa bagong PBA title matapos talunin ang TNT

By Len Montaño August 15, 2019 - 04:21 AM

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel para masungkit ang isa pang titulo matapos talunin ang TNT sa Game 5 ng kanilang finals series sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 99-94.

Dahil sa panalo ay 3-2 na ang kartada ng San Miguel sa best of 7 series at posibleng magkampeon na kapag nanalo uli sa Game 6.

Dahil sa layup ni Beermen import Chris McCullough ay lumamang ang San Miguel sa natitirang 28 segundo ng laro.

Pagkatapos ay matinding depensa ang ginawa ng San Miguel kaya hindi na naka-porma at nakabawi ng tira ang Ka Tropa.

Nagtala si McCullough ng 35 points at 22 rebounds habang nagdagdag si Terrence Romeo ng 22 points at si June Mar Fajardo ng 16 points.

Habang ang TNT ay pinangunahan sa scoring ni Terrence Jones sa ginawa nitong 35 points at 17 rebounds.

Sa Biyernes nakatakda ang Game 6 o posibleng huling laro na ng kasalukuyang conference.

 

TAGS: 1 panalo na lang, 3-2, Beermen, best of 7 series, Finals, Game 5, Ka Tropa, pba commissioner's cup, San Miguel, TNT, 1 panalo na lang, 3-2, Beermen, best of 7 series, Finals, Game 5, Ka Tropa, pba commissioner's cup, San Miguel, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.